Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 8, 2025

- LTFRB, nagbabala sa mga PUV na lalabag sa 'Anti-Sardinas' directive ng DOTr | Ilang PUV driver at konduktor, gumagawa raw ng paraan para mabawasan ang pagsisiksikan ng mga pasahero

- Ilang motorista, naliliitan sa oil price rollback na epektibo ngayong araw | Malaking parte ng kita ng ilang PUV driver, napupunta pa rin daw sa pagpapakarga ng diesel at gasolina

- Pagbabawal sa mga kabataang edad 18 pababa na gumamit ng social media, isinusulong sa Senado | DICT, suportado ang panukalang pagbawalan ang kabataan na gumamit ng social media pero naniniwalang mahirap ipatupad ito | Council for the Welfare of Children: Dapat limitahan na lang ang paggamit ng social media dahil mahalaga rin ito sa edukasyon ng mga bata

- Ilang magulang, naniniwalang may katwiran ang pagbabawal sa mga bata na gumamit ng social media pero mahirap daw ipatupad ito

- Ilang magulang at estudyante, naperwisyo ng malakas na ulan at hangin | Landslide, naranasan sa Brgy. Pangawan | Ilang bahay sa Brgy. Tumaga, binaha | Ilang kalsada sa Brgy. Tibungco, nagmistulang ilog dahil sa baha | Mga taga-Brgy. Kipalili, naperwisyo ng baha

- Sen. Estrada: Mahigit 13 senador ang pumirma sa resolusyon ng pagsuporta kay Senate Pres. Chiz Escudero | Sen. Migz Zubiri, suportado si Sen. Tito Sotto bilang susunod na Senate president | Sen. Zubiri, handang maging bahagi ng Senate Minority Bloc

- Ilang pribadong ospital, balak suspendehin o limitahan ang pagtanggap ng guarantee letters dahil sa dami ng hindi pa nababarayan ng gobyerno | DOH, patuloy raw na magbabayad sa mga ospital para sa mga guarantee letter

- "Bring random things" series ng magbabarkada, patok sa netizens

- Tapatan ng karakter nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara sa TV premiere ng "Beauty Empire," Usap-usapan

- Labi ni showbiz columnist, host, at talent manager Lolit Solis, nakatakdang i-cremate ngayong araw

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.